Monday, February 28, 2011

Under the Banyan Tree

Ganito na lang. Matagal na rin akong di nakasulat sa blog ko. Bakit nga ba? Isa siguro sa mga dahilan ay hindi ko gaanong ma-i-express sa English yung mga gusto kong sabihin. Ang hirap kasi, may mga subtleties na hindi mo masabi pag hindi yon ang mother tounge mo.

Bakit ganon ang title ng post ko ngayon? Kasi I just attended a talk by Ms. Cornelia "Nelly" Fung. One of the founders of Chinese International School. Kinuwento nya ang history ng pamilya nila way way back in the 1800s... Amazing pictures, as in mga black and white, and brownies color na mga scans.

Astig pala ang pamilya ni Ms. Nelly Fung. Biruin mo, her great great grandmother went to Switzerland to have a tyroid operation. Bigatin lang ang mga nakakagawa noon. At ang kanyang lolo ay isa sa mga original na member ng Philippine Revolutionary Commission. And according to her, during that time ang opisina pala ng mga rebolusyunaryo ay matatagpuan sa may Morrison Hill Road, sa Wanchai! Wow , doon ako nag su swimming ah.

Clearly, kung babalik tanawin ko yung kanyang talk... talagang ang susi ng isang matagumpay ng buhay ay nasa magandang edukasyon. Yung tatay nya, ay nag graduate sa HARVARD, nag publish ng libro with one of Harvard's super esteemed professor, something like Mr. Storey. Then after graduation, he accepted government position, naging colleague nya ang tatay ni Ninoy Aquino, sina Manuel Roxa, at sya ang kauna unahang ambassador ng Pinas sa UK, Denmark, etc.  Sina Nelly ay lumaki at nanirahan sa London at America. Nabigyan ng solid at magagandang education.  At dahil doon.. they carry on their ancestral legacy of being successful.

Ito ngayon ang tanong... pano kung ang mga ninuno mo ay di galing sa isang mga illustradong pamilya. How would you change the course of your life? Para kasi in this game called life, napakahalaga talaga ng umpisa, ng mga nuno mo. Talagang success attracts success. Paanong ang isang katulad ko na nag aral sa public schools, which are under funded, kulang sa mga resources, ever compete with private schools .. or state universities.. na ang nakaka pasok ay mga graduate din ng mga schools na may mga magagandang resource???? parang unfair no?

Pero, past is past. I can change the course of my destiny, if I have the will. And I want my children to carry on the change. Salamat sa inspirasyon Miss Nelly Fung. Maybe I should start collecting memoirs of our clan.  Sabi nya... always cherish and never let go of the opportunity na makausap ang mga kamag anak.. lolo, lola, aunties, tito.... they might be able to tell you stories that would be of great interest.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home